Pansin ko lang toh. Naisip ko lang din kanina nung ako ay naliligo. HAHA.
Kasi di ba, unang ginawa ng Diyos ay lalaki? Si Adan hindi ba? Tapos napansin ni Lord na malungkot siya. Kaya ginawa niya si Eba. Tama hindi ba? (Korek niyo lang ako kung mali po.) Edi happy na di ba? Para may kasama na si Adan. Ihambing mo sa ngayon. Hindi ba tama lang din? Hindi kaya ng lalaki wala ang babae. Pero eto pa. Siguro kaya sinasaktan tayo ng mga lalaki ay dahil, osige ihalintulad natin ulit kina Adan at Eba. Pinitas ni Eba ang mansanas di ba? Kaya tayo naging makasalanan. Ang point ko lang ay, kaya ba tayo sinasaktan ng mga lalaki ay dahil babae rin ang gumawa ng unang kasalanan? Si Eba ang pumitas ng mansanas at hindi si Adan. Kaya nauso ang tukso simula pa lang noon di ba? Dahil sinunod ni Eba ang ahas. Natukso siyang gawin ang hindi nararapat. So dahil dun, eh may karapatan na ang mga lalaki na saktan tayong mga babae?
